Miyerkules, Oktubre 5, 2011

Si P-Noy Para sa mga Pinoy

                    
                     "Ang anak pala ng ating dating pumanaw na Presidente Cory Aquino ang susunod na mamumuno ng ating bansa"-ayan ang nasabi ko noon. Marahil ang kanyang pagkapanalo ay dahil sa Cory's magic na sinasabi nila. Para sa akin nanalo si Nonoy ay dahil sa popularidad ng kanyang mga pumanaw na magulang. Iyan siguro ang nagtulak sa aking mga kapwa Pilipino para siya ay iboto. At dahil siya ang nanalo tayo ngayon ay nakatuo sa kung paano niya babaguhin ang bansang Pilipinas at kung paanong pamamalakad ang gagawin niya. Si P-Noy nga ba ay karapat-dapat sa mga Pinoy?
                 Para sa akin ay walang tamang tao para sa mga Pimoy dahil bawat tao ay may kanya-kanyang "taste". Hindi rin tayo pwedeng magsisi na siya ang nanalo dahil walng magagawa ang pagsisising iyon kung sakali. Ang dapat nating gawin ay magtulungan at suportahan ang ating nakaluklok na pangulo. Wala naman sa kanya ang ikakaunlad ng ating bansa kung hindi nasa atin din. Disiplina lang ang kailangan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento