Miyerkules, Agosto 31, 2011

Kung ako'y isang bagay...

        Kung ako'y isang bagay, nakikita ko ang aking sarili bilang isang bulaklak. Isang makulay na bulaklak dahil ito'y nagbibigay buhay sa paligid. 'Pag ako ang kasama mo hindi ka malulungkot. Para akong bulaklak na may malambot na puso para sa kapwa at hindi nagtatanim ng sama ng loob. Ako'y isang bulaklak na nangangailangan ng kalinga para lumaking maayos at maganda. Ako'y katulad ng isang bulaklak na handang dumamay sayo sa malulungkot at masasayang sandali. Sa tunay na buhay ng isang bulaklak 'yun ang tag-araw at tag-ulan na sandali.:)

:))


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento