Miyerkules, Agosto 31, 2011

Si Crush!:))

        Ang aking crush ay isang motocross racer. Ang kanyang pangalan ay Jovanni Ursua. Ang astig at ang cool niyang racer. Mabait din siya at cute pa! Kung mabibigyan ako ng pagkakataon na makita siya ngayon? Magpapapicture ako sa kanya!..:)))

(toinks!)

Kung ako'y isang bagay...

        Kung ako'y isang bagay, nakikita ko ang aking sarili bilang isang bulaklak. Isang makulay na bulaklak dahil ito'y nagbibigay buhay sa paligid. 'Pag ako ang kasama mo hindi ka malulungkot. Para akong bulaklak na may malambot na puso para sa kapwa at hindi nagtatanim ng sama ng loob. Ako'y isang bulaklak na nangangailangan ng kalinga para lumaking maayos at maganda. Ako'y katulad ng isang bulaklak na handang dumamay sayo sa malulungkot at masasayang sandali. Sa tunay na buhay ng isang bulaklak 'yun ang tag-araw at tag-ulan na sandali.:)

:))


Ang Aking Pamilya...

          Ako'y nagmula sa isang simpleng pamilya. Mahal nila ako at mahal ko rin sila. Ang aking tatay ay si Alberto Fermin at ang aking nanay naman ay si Marieta Fermin. Apat kaming anak nila. Ako ang panganay at nag-iisang babae. Ang aking mga kapatid ay sina Rafael,Joseph at Justin.
        Mababait naman kami at ikagagalak naming makilala ang kahit sino-babae,lalake,bakla man o tomboy.:)



Pangatlo(Joseph)*nasa gitna

bunso(Justin)
             
Pangalawa(Rafael)
Panganay(Joana)

--->Me<---

         Ako si Joana Marie C. Fermin. Wani ang aking palayaw pero maari niyo rin akong tawagin sa tunay kong pangalan.Labimpitong-taong gulang at nagmula sa bayan ng San Jose,Nueva Ecija. Ako'y masayahin,makulit at maingay. Marami akong kaibigan at para sa akin sila'y katangi-tangi.Mahilig akong matulog. Mahilig din akong kumain kahit hindi halata.:)